Friday, 12 October 2012

"NO Loading & Unloading" Weh?

Ako ay naglakad sa kahabaan ng mga kalye sa Makati kahapon para makasakay ng jeep nang ang unang jeep na makita ko ay hindi ang kinakailangan ko. Eh ano naman? Ang jeep na iyon ay nakaagaw ng aking pansin. Kasi naman, naman. Tingnan ang malabong larawan sa ibaba
Malabo ang larawan, kasing labo ng pagsunod ni Manong sa nakalagay na "NO Loading & Unloading" sign sa tabi. O baka naman ang signage talaga ang malabo. Marami naman tayong malabong mga batas, 'di ba?

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng ganito. Meron dati sa Greenbelt, ganito rin. At sa tabi pa ni Manong Guard? Panalo! Maraming beses na rin akong nagugulat kapag pumupunta ako sa mga bagong lugar. Pagbaba ko kasi ay madalas bumubungad ang babala na "No Unloading."

Bakit ba kasi ganito? Baka naman kasi mali ang pinaglalagyan ng mga babala. Dapat siguro ilipat nila ang mga 'yun kasi nilalagay nila sa mga lugar na madalas babaan ng mga tao, 'yung tipong doon naman talaga sila bababa.

Ano kaya ang magandang gawin sa mga ganito? Ano nga kaya?

No comments:

Post a Comment